Pangunang Wakas sa Muling Pagpapamalas

Dapat nga ba na gisingin ang damdaming himbingin
Ganon na lamang ba kadali tugunan ang biglang bugso ng puso
Isang sulyap lang ang kinailangan, sa simpleng kagustuhan
Ang sulyap na dadalasan, sa kagiliran ng mga mata
Ang nakasanayang tignan, di kumpleto ang araw

Tangina di ko na alam kung anong isusulat ko haahha
Tatangkain kong simulant uli

Dapat ba na gisingin ang damdaming nahihimbing
Ganon ba kadali makuha ang atensyon kapag wala ang sinuman sa piling
Isang mabilis na sulyap lamang naman ang kailangan
Madalas na mga sulyap, mabibilis na lingon sa tagiliran
Minsan buong loob kang titignan sa loob ng ilang segundo
Mga sandaling alam kong bumabagal ang ikot ng mundo
Sandali lang, mali na yata ang mga ito
Nahuhuli ko na ang aking sarili na napapangiti sa mga mensahe mo
Hindi lamang ang ako, mga ibang tao din, ilang beses na
Ngunit, sa kabila ng mga ito, hindi naman ako nagmamadali, ikaw rin diba
Paghinayan lamang natin upang malaman kung tama ang dikta
Hindi naman masamang unti-untiin ang mga bagay
Hindi rin naman ganon kadali na baguhin ang mga bagay kung saan sanay
Madami pa naman tayong panahon sa mundo, kung di man pumihit ang tadhana
Hindi naman ganon kabilis ang ikot ng mundo sa twina
Bumabagal pa nga sa ilang pagkakataong alam kong nandiyan ka
Sana naman ay sa panahong ito ay sa may katuturan na
‘Ika nga ay madaming nang panahon ang ginugol para sa mga maling tao
Mahirap naman kung ilang taon pa bang muli ang masasayang sa pagkatalo
Hindi naman sa pagmamadali, ngunit sana may patunguhan diba
Kesa walang tubuin sa panahong pinaplanong ipusta
Ang daming nais sabihin, mga saloobing di kailanman matatapos sambitin
Ganon naman talaga diba, kapag nasa katuturan ang iniisip, nagiging malikhain
Ito na, hindi ko na patatagalin pa, madami na akong nagamit na tinta sa pagpapamalas
Akala mo naman nasa makalumang panahon pa, wakas

Naglalayag,

Bangkero

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: