kabutihan

naaalala ko ang mga araw na ako’y walang ibang iniisip
mga panahong nagaaral, paghahabol lang ng klase ang tanging isipin
kinagabihan ay matutulog, gigising ng maaga para makapasok
kailangang hindi mahuli sa sakayan para hindi mahuli sa klase
kailangang hindi ako mahuli kundi at kakaunti lang ang matututunan
lalo na at ang mga mahahalagang bagay ay nasa unang bahagi ng klase
ang sarap pala ng mga panahong iyon, mga panahong sarili lang ang intindihin
paghahabol lang mga petsa para sa pagpasa ang iniisip
ngunit iba na ngayon, lipas na ang mga araw na iyon
tila ba sana ganon na lang uli, hindi naman siguro mahirap ulitin uli
ngunit hindi na pala ganon kadali, hindi na lahat ng iyong oras ay hawak mo
mga pagkakataong masasabi na sana ipinagpabuti ko pa sana lalo
panghihinayang na masasagi sa isip ngunit wala nang magagawa
siguro ang tanging magagawa na lang ngayon ay ipagpabuti ang kasalukuyan
hindi naman na siguro masama iyon, hindi ba
ang maging isang mabuting tao, hindi lang para sa sarili ganon na din sa iba
hanggang sa pagdating ng panahon, sana mahatak natin sila sa mabuti
umaasa ako, darating din ang panahon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: