Bintana

Tumitig ako sa labas tungo sa tanawing di ko alam
Binuksan ko ang bintana’t ito’y nagbigay ng regalo
Hindi ko mawari ang tanawin ngunit alam kong ito’y magdudulot ng pagkabighani sa aking mga mata

Mula sa aking mga mata ay ang bintanang nagbibigay ng  dagdag na liwanag ng silid
Sa kaliwa ay ang mga dalawang dambuhalang gusali
Sakop nito ang isa kung mahahati sa tatlo ang minamasdang tanawin
Sa kanan matatanaw and mga gusali sa malayo
Mga matatayog na istrakturang bumabandila sa progresibong ekonomiyang pinangungunahan

At ang gitna ay hahatiin sa tatlong bahagi
Ibaba, pinakagitna at taas
Nasa ilalim ng aking paningin ang tirahang pinaghalong studyante’s manggagawa
Laman nito ang repleksyon ng sinag ng araw muna sa mga bintang gawa sa salamin
Mapapansin din ang kadalasang hibla ng trapikong buhol-buhol at mahaba na tila walang hanggan
Ang pinakagitna ng mga ito ay ang linyang kabundukan
Hindi man pantay ang mga rurok, mapapansing nagiisa ang kulay ng mga ito
Mahaba ang pila ng kabundukan tila malayo and pinaggalingan at paroroonan
Huling tanawing iniregalo sng bintana sa akin ang siyang nagpaginhawa sa puso’t isip
Kulay asul at hinaluang puti
Kay sarap pagmasdan ang taglay nitong kagandahan

Langit, bakit ika’y nakakapagpagaan ng pakiramdam
Tila ba ikaw ang lulutas ng pighati ng pusong sai’t puno ng dalamhati
Kaliwa’t kanan, ilalim, gitna’at taas
Kalakihan tungong kawalan

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: