My head will lay
I will rest
Perhaps for the best
No more noise
Silence, that is for the voices
It’s a regret not to hear
The laughter around the beers
The nights that almost did not end
How can this person be mend
The love that made things real
Anymore, I hope to feel

As the legend says
The soul will row endless
In the boat found
The sea will not bound
Rowing peacefully
Across the waters gracefully
The unending journey
The rest, finally
When will this be
The dark-light one day I long to see

Pebrero pa lamang pero tila ba walang preno ang panahon
Napapansin mo ba na ang oras a lumilipad tunging kawalan
Napakabilis na di mo napansin na panibagong linggo na naman ang nagdaan
Ang bibilis ng mga pangyayari, sana ganon lang kadali alalahanin at ilagay sa kahon
Upang maingatan ang paminsanminsang buksan sa di nalalayong kinabukasan

Pebrero pa lamang pero nais ko nang matapos ang taong ito
Ramdam ko na ang matinding pagod, nais ko na lamang mahiga
Magtalukbong sa ilalim ng mga kumot kong mabango
Pakiramdam ko walang makakauga sa akin muna sa pagtulog ko
Isang premyo mula sa lahat ng aking pagpapagal, nais ko lamang ng isang nilaga mula sa aking mga tiayga

______________________________________________________________________________

Well it is now June 24 and I want things to get better.
Looking forward to the betterment, I hope we all get through.

Stay safe everyone, may the odds be ever in our favor.

Kalayaan

Nais ko ang kalayaan
Ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng pagiging malaya?
Ninanais ito, maririnig mo kahit saan ang mga paanyaya
Ngunit nauunawan ko ang mga pagkabalisa
Mahirap ang aking kinalalagyan
Hindi kumakampi ang tadhana
Maaring minamalas lamang sa panahong ito
Ang sa akin lang naman, hanggang kailan tayo mamalasin at ating mga sarili

Sa totoo lang
Gusto kong lumaya sa lahat
Gusto kong lumaya sa mundo
Sa mga panibugho
Sa mga hinanakit
Sa mga panglalait
Sa mga sakit
Sa mga balakid at higit
Gusto kong lumaya sayo
Gusto kong lumaya sa sarili ko
Sa  gagong sarili ko
Sa buhay ko

Paano mawala ng parang bula
Walang bakas maski maliit na butas
Hayaan na lang natin, ayokong magtungo sa paglambitin
Hindi madali pero ang buhay ay dapat sanang sulitin
Tiwala lang, sana hindi humantong ang lahat sa wala
Mayroon pero hindi laging dapat malas
Tignan mo, masdan mo ang iyong sarili sa kaya mong ipamalas
Nasa iyong butihing kalooban ang inaasam mo ng lunas

Just maybeeeeee

Maybe we find the feeling, not the person. Recalling the person reminds us of the times, the things we felt and that’s all that matters. The memory that we can make again for ourselves, be it the person we thought of or not.
At least there’s a bright side to look at to.

Ikaw na nakilala ako sa biglaang panahon

Iaalay ko itong pahina na ito para sayo
Ikaw na nakilala ko sa panahon bago ang lahat ng ito
Bukod tangi ka, sayo ako nakaramdam ng kilig
Sayo ako napatingin at sa gilid ng mga mata tumitig
Pagpasok mo ng kwarto, kamanghamangha
At tumigil ang mundo, parang itinakda ng tadhana
Ganon ba talaga kabilis ang mga pangyayari
Tila ba ganon kasimple, para bang ganon kadali

Parang ganon kadaling hindi palampasin ang pagkakataon
Parang niloob talaga tayong pagkitain ng panahon
Sabi nga ng Moonstar88, sa gilid ng mga mata tinitignan kita…
Kahit saglit ko lang matanaw ang iyong mukha
Ang mga sa eksena ay nakakakilig balikan, ang mga gunita
Sana nandoon lang lagi tayo sa lugar iyon
Hiling kong hindi pa talaga dapat matapos ang alaala

Sa aking palagay ay dapat magkaron pa tayo ng panahon

Sa tingin mo, sa kabila ba ng lahat magiging ikaw at ako
Tayo na lalaban sa mabilis na ikot ng mundo
Maglalakbay ng walang humpay tungo sa kawalan
Pero lagi kitang titignan sapagkat kamay mo aking hahawakan
Sa totoo lang, wala akong tapang
Ako’y natitiklop dahil baka hanggang mga salita lamang
Kaya ko isinulat ang mga bigkis ng salita
Nagbabakasakaling ito ang magmitsa ng simula

Siguro, isang malaking kababalaghan kung ito’y sa iyo maipaabot
Marahil sa tagal, maisip mong ako’y tuluyan nang nakalimot
Teka lang, nakakabahala na ang mga ito
Wala itong kasiguraduhan, ngunit handa kong subukan
Sa kabila ba ng panahong nasayang, mayroong magbabago
Sa iyo bang pagbasa mayroon ba itong kahihinatnan
Sa tingin ko’y ikaw lamang ang makakasagot
Nais ko lamang na iyong mabatid ang aking pinaaabot

Tanging panahon lang ang may alam, hindi ba
Kaya’t lalong hindi dapat ikabahala
Ang nakaraan ang nagtakda ng pagkikita
Kinabukasan naman ang pagtutupad ng tadhana
Nasa iyo na nang pagpapasaya
Itong liham na ang magbibigay malisya
Pasensya na, kahit kailanman hindi ko nanaising makaabala
Ngunit sana, panig ang tadhana sa pagpapasiya


2020 - 06-08 - 2

Paunawa Pagbangon Pagsulong

Sandali nga lamang
Hindi ko alam kung paano ako maninimula
Wala talaga sa akin ang paghahanda para sa isang ito
Ninanais ko lang talaga magsulat
Este itala sa elektronikong papel na wala akong maisip
Sa totoo lang, pinlano kong hindi ko alam ang pambungad
Ngunit totoong wala akong paghahanda at ang pagnanais
Hindi ko alam, teka mali

Madami akong gustong itala sa pahina kong ito
Nakakabalisang nga lang na mahusgahan, sa totoo lang
Sapagkat ang mga nilalaman ng librong digital na ito
Ay ang aking pagkatao, ang mga ulap ng kaisipan
Mga magugulong kaisipan na matutuwid sana sa pagtatala
Mga alaalang ninanais kalimutan at sakaling mabalikan
Hindi man sa madaliang panahon kundi pangmatagalan
Ayun na nga, sabihin na nating sensitibo ang laman

Personal at maaaring maging bukana ang mga salita
Patungo sa aking mga saloobin, sa aking pagkatao
Isa itong pagsilip sa aking kasalukuyan
Pagsulyap sa nakaraang may emosyon, imahinasyon
Mga ambisyon, paglalahad ng pamantayan
Sa simpleng bagay, laman ng aking kaisipan
Wala akong planong manghamak ng kung sino man
Ngunit maari din mamulat para sa kamalayan, antabayanan

Sa pangkabuoan, naisip ko lang iparating sa aking mga mambabasa
Nagpapasalamat ako sa inyo, hulog kayo ng May Kapal
Sa inyong munting pagtangkilik, ako’y natutuwa
Sa kabila ng lahat, kayo’y nagpasensya sa pagbabasa
Madalas ako’y naiiirita na sa aking mga sulat
Paminsan-minsang naiisip na tumigil sa pagtala
Ngunit malaking bahagi sa akin ang may kakulangan
Sa hindi pagkuha ng pangmarka at pagpindot ng mga letra upang magsulat

Paumanhin mga kaibigan, inaamin kong ako’y nawalan ng gana’t saya
Nakita ko ang aking sarili sa pighati
Nawala ang pagkakakilanlan at nanibago
Ngunit hindi naman maiiwasan ang ebulusyon
Pinapangako ko, sa aking sarili ang patuloy na paglagablab
Ang mainit na emosyon ngunit hindi nakakapaso
Ang nagliliwanag na sulo para sa kapaligiran
Titindig at iaangat, mangunguna para sa akin at iba

Panaghoy ng Kaluluwa

Bakit ako naiipit sa aking sariling kapit
Bakit ako nalulunod daluyan ng alulod
Bakit ako hapo hindi naman sumalo lamang ako kulo
Bakit ako narito, kanina pa ako dumiretso

Anong gagawin, dapat bang tiisin
Anong sasabihin, ako ba’y mananahimik pa rin
Anong iisipin, mga dila’y sintalas ng mga patalin
Anong lalim ang sisisirin, ang kaisipa’y tila’y bangin

Saan tatakbo dahil hindi alam kung saan patungo
Saan kukubli sa mga matang mapangapi
Saan magtatago mula sa mga taong sanggano
Sann lilikas, nalalapit na ang wakas

Kailan ba mananatiling ganito
Kailan ako magkukusang lumisan sa kasalukuyan
Kailan mumulat ang mga mata sa katotohanan
Kailan malalaman ang mga tunay na nararamdaman

Paano mamumuhay sa katotohanan
Paano makakamit ang katahimikan
Paano matatamasa ang kaginhawahan
Paano maliliwanagan sa kasaysayan at kawalan

 

2020 - 05-08- 2

Liham Para sa Pagpapatuloy ng Taong Ito

Ika-anim ng Mayo, taong Dalawang Libo’t Dalawampu

 

Kalilipas pa lamang ng unang apat na buwan ng taong ito at nagsisimula pa lamang ang ikalimang buwan, ang buwan ng Mayo. Napakaraming naganap sa bansang Pilipinas, lalo na sa buong mundo sa pangkabuoan. Nakakapanlumo, nakakapagod, at nakakabalisa para sa mga susunod pang panahong parating para sa nalalabing mga buwan ng taong ito.

Aking naaalala ang buong tapang na pagsalubong sa taong ito, puno ang karamihan ng lakas ng loob upang suungin ang pagsubok na nakahanda. Ngunit hindi tayo ganong ka-“handa” para sa kabuoan, may naging alam lamang tayo sa kung anong paparating. Ilan lamang sa mga ito ay ang mga naging saloobin ng kalikasan sa atin; baha sa Indonesia, sunog Australia, pamemeste sa Africa, pagputok ng Bulkang Taal dito sa Pilipinas, lindol sa Turkey at Caribbean, at ilan pang mga kalamidad na hindi naitala. Nandoon din ang mga nagmula sa mga gawa ng tao kagaya ng pagsabog ng planta ng pagpoproseso ng gasolina sa Nigeria, pagbabanta ng gera sa pagitan ng US at North Korea, alitan sa pagitan ng US at China, pagaagawan ng teritoryo sa karagatan sa Timog-Silangang Asya, at ang katakot-takot na pandemyang dulot ng Covid-19 na nagmula sa Tsina at ang mga naging epekto niyo sa ekonimiya ng mundo. Nakakadismaya ang lahat sa totoo lang, nakakapanlambot dahil may mga mas maganda pa tayong inaasahang mangyari para sa ating kinabukasan, malayo sa ating inaasahan.

Mayroon pa din naman akong paniniwalang maaayos ang lahat. Mahirap isipin na¬† naghihintay lamang ng mga solusyon sa mga problema kinakaharap ng ating bansa at ng mundo. Ngunit ang paghintay lamang ay isang kabalintunaang hindi makakasiguro para sa hinaharap ng lahat. Nararapat lamang na aralin natin ang lahat ng pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan at nakaraan, hanapan ng saysay ang lahat upang matuto sa pagkakamali’t pagkukulang ng mga taong nagmamando ng karamihan para sa atin. Tungkulin nating mga mamayanan ng mundo at ng ating bansa na maging mapangpuna, hindi para manghamak sa kasamaan ngunit patungo sa kaunlaran. Hindi lahat ng bagay ay madadaan sa dahas, sa pagsasawalang bahala, at sa pagtatanim ng masasamang loob sa kapwa; hanapan natin ng rason ang mga panguusig, pagkukulang, kawalang malay, pananahimik, at kalungkutan upang makamit ang kaginhawahan at kalayaan.

Mga Juan at Maria, lakasan ninyo ang iyong kalooban. Kailangan nating maging mapangusisa upang malaman ang nararapat, ang katotohanan, at ang pinagmulan, dahil doon lamang mapapagtanto ang susunod na hakbang. Huwag sayangin ang lungkot, takot, at pagkabalisa, ito ang mga emosyong magpapatatag sayo. Nahihirapan tayo sa ngayon, pero manalig tayo’t malalampasan nating ang mga ito. Babangon tayo bilang mga bagong nilalang na mas malalakas, mas matatalino, at mas karapat-dapat para sa kinabukasan.

Umpisa pa lamang ng taon, mahaba pa ang buhay nating papalaring makita ang mas maganda’t maayos na kinabukasan. Sa hinaharap natin tutubusin ang mga bungang ginhawa mula sa mapangaping kahapon. Matagal pa tayong babangon at lalaban ng paulitulit kaya kapit kapatid, laban kaibigan, bangon kasamahan, unlad kabayan, at pakatatag kalahi.

 

  • Ang Namamangka; Mayo 07, 2020; 01:12

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: